2011/10/08

Bakit ba?

Bakit nyo ba ko pinapamigay? Bakit nyo ba ko hinahanapan ng boylet? Parang lahat na lang ng kilala ko gusto na kong ipamigay sa ibang tao...na lalake. O_O Hindi ba kayo masaya na single ako? Kita nyo naman kung gaano ako nakakadiri nung in love ako diba? Wala akong bukambibig kung hindi yung boylet ko bwahahaha XD Sorry. Di ko lang talaga gets. Sabi ni Jeck, kasi hindi daw ako masaya. Sabi nino? Wala lang akong pera kaya di ako masaya haha! Sa Decemeber masaya na ulit ako mwahahaha! *evil laughter* Para kasing ang pathetic ko tuloy dahil lang wala akong boylet. Pero natouch naman ako sa effort nyo gels :) Pero wag nyo na ko hanapan hehe. Hayaan nyo yun. Darating din sya. Hayaan na muna natin syang magkaligaw ligaw para pag dating nya sakin, natuto na sya at hindi na sya magkakamali pa. Perfect sya ganun? Hahaha XD Masaya naman ako :) Kaya bigyan nyo na lang ako ng sideline kasi wala ng mas sasaklap pa sa wala ka na ngang love life, wala ka pang pera hahaha! :))

0 comments: