2011/10/13

Hindi ba, normal lang naman ang...

Magalit sa mga taong sinaktan ka? Syempre, kelangan mo din sila patawarin pero it takes time. Hindi naman yun magic na bigla na lang mawawala. Normal lang din naman siguro na maging cold ka sa kanila. Tsaka syempre by instinct ang lumalabas na ugali mo pag kaharap mo yung taong nanakit sayo eh yung masunget na side mo. Defense mechanism. Ayaw mo na kasi masktan ulet ng taong yun. Tsaka hello? Anong gusto nyong gawin ko? Mag-iindak ako sa tuwa? At sabihin sa inyong: "Uy! Isa pa nga! Ang sarap eh! Ang saya saya masaktan! Ibang klaseng high! Ulit ulit! One more time pare!" So parang tanga lang ako ganun? Tapos tatanungin mo ko kung galit ako? Ikaw kaya saktan ko na bongga, tingnan ko kung di ka magalit or mainis kahit konti. Di ko alam kung manhid ka or sadyang tanga lang. Kakastress! Wag mo kong kausapin! Ewan ko sayo! *sigh* Eh di ako na ang bitter. Actually, di masamang maging bitter. Ang ibig sabihin lang nun eh natuto ka at ayaw mo ng masaktan ng paulit ulit dahil lang sa iisang dahilan. Tanong ka pa dyan kung galit ako? Magsama kayong dalawa. Che! Don't talk to me. Sabi nga ni pareng Johann Wolfgang von Goethe, If I love you, what business is it of yours? Chosero ka!

0 comments: