2011/10/12

I can do this!

Utang na galang, wag nyo kong kaawaan dahil lang wala akong boylet. Ako na lang maaawa sa sarili ko. I can do this! =)) Ewan ko ah. Lately talaga yung mga sinasabi nyo sakin eh nakakaloka.

Girlfriend1: Ok lang yan Sabel. Hindi inaantay yun. Kusang dadating yun.
Girlfriend2: Eh malungkot ka naman talaga!
Girlfriend3: Hahanapan ka na lang namin ng boylet.
Girlfriend4: Wag kang magalala. May darating na 10 times better than him.
Girlfriend5: May kilala ka bang pwedeng ireto kay Sabel?

Tapos may isang nakawiwindang na revelation. May jowa na si Bessy! Anak ng tinapa haha! Wala na kong kakaladkarin na best friend dahil busy na sya sa bowa nya.

Alam nyo, ok lang naman ako. Kahit malungkot, ok lang ako. Dati naman ako mag-isa. Mag-isa nanunuod ng sine. Mag-isa gumagala. Mag-isa nagshoshopping. Autistic kaya ko dati. Pwede naman ibalik diba? :p Si Lord lang kasi ang galing magbiro. Nagpatikim pa, may sapak naman yung binigay tulad ko. Di tuloy kami compatible haha XD

Ok lang talaga ko. Kahit malungkot. Sabi nga ni Mama: "Ok lang kahit wala kang love life o wala kang pera. Meron namang nagmamahal sayo ng sobra sobra. Ako."

Sweet ng nanay ko no? Hahaha! I love you too mudra <3

0 comments: